Miyerkules, Agosto 26, 2015

Ibat ibang Uri ng Bulkan Sa Pilipinas

                                                       Mga Bulkan Sa PILIPINAS


Ang Bulkang Taal, na tinagurian din bilang Pulong Bulkang, na nasa Lawa ng Taal sa Batangas,Pilipinas.[1] Ang Bulkang Taal ay mayroong taas na 984 na mga talampakan o 300 mga metro, na naglalaman ng isang maliit na bunganga o crater na pinangalanang Lawang Dilaw. Sumabog ang bulkan nang 25 mga ulit magmula noong 1572, at ang pinaka kamakailan ay noong 1970.



Ang Bulkan Mayon ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay, sa pulo ng Luzon saPilipinas. Bantog ang bulkan dahil sa halos "perpektong hugis apa" nito. Ang Mayon ang naging hilagang hangganan ng Lungsod ng Legazpi, ang pinakamataong lungsod sa Kabikulan. Unang hinihayag bilang isang pambansang liwasan at isang nakaprotektang lupain ng bansa noong 20 Hulyo 1938. Inuri itong muli at pinangalanang Mayon Volcano Natural Park noong 2000.[1]
Ayon sa mga volcanolohigo, isa itong stratovolcona o kompositong bulkan. Ang tila simetriko niton kona ay nabuo sa pamamagitan ng pagkapatong-patong ng mga daloy ng lahar at lava. Dahil umaabot ng halos 50 beses na ang mga pagsabog nito sa nakaraang 400 taon, itinuturing itong pinakaaktibong bulkan sa buong bansa. Matatagpuan ito sa isang convergent plate boundary1 sa gitna ng Platong Eurasian at ng Plato ng Plipinas.
1lugar kung saan nagkikita ang isang continental plate at isang oceanic plate. Dito tinunulak pababa ng mas magaan na continental plate ang mas mabigat na oceanic plate; Sa pagkatunaw ng bato nabubuo angmagma.
Ang bulkang Mayon ay may 47 pagsabog sa kasaysayan; ang una ay sa taong 1616, ang pinakahuli ay may katamtamang pagbuga ng lava noong Hunyo 2001. Ang pinakamalakas na pagsabog ng bulkang Mayon ay noong 1 Pebrero 1814. Natabunan ng lava ang bayan ng Cagsawa at may 1,200 taong namatay. Ang bell tower ng simabahan ng bayan ang nakikita na lamang sa ibabao ng lupa. Pyroclastic flows, ang mainit na abo ang nakapatay sa 77 katao, karamihan magsasaka, sa huling malakas na pagsabog ng Mayon noong 1993. Sa taong 1984, mahigit 73,000 katao ang pinaalis sa 'danger zones' ayon sa mga scientists ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, wala naman naulat na may namatay.
                                           
Ang Bundok Pinatubo ay isang aktibong bulkan sa pulo ng Luzon sa Pilipinas, sa isang interseksiyon ng mga hangganan ng mga lalawigan ng ZambalesTarlac, at Pampanga. Bago ang 1991, hindi gaanong napapansin ang bundok at mabigat ang erosyon. Makapal ang gubatnito na sinusuportahan ng mga ilang libo na mga katutubong Aeta, na lumikas sa mga patag na lugar patungong mga bundok nang sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas noong 1565.
Dumating kamakailan lamang ang pagputok ng bulkan noong ika-16 ng Hulyo taong 1991 pagkatapos ng 600 taong pagkatahimik, ang syudad nang Angeles ang sumalo nang galit nang bulkan, nasira sa pagsabog ang tulay nang abacan atbp. ang Porac pampanga sa pangangaaga nang dating alkaldeng si Roy David ay labis na nasira at naputol ang tulay nang Mancatian,lumikha nang isa sa mga pinakamalaki at pinakamarahas na pagpuputok sa ika-20 siglo nuong 15 Hunyo 1991 ang bundok at umabot sa taas na 25-30 Kilometro at 10 kilometro ang lapad nang pagsabog, Nagdulot ang matagumpay na prediksiyon sa pagputok ng paglikas ng mga libo-libong katao mula sa mga karatig na lugar, na nailigtas ang mga buhay, ngunit nawasak ang mga nasa paligid nito at labis na nasira ng mga pyroclastic flow, mga deposito ng abo, at sa kalunan mga lahar na sanhi ng tubig-ulan na muling ginagalaw ang mga naunang mga deposito ng bulkan. Libo-libong mga bahay ang nasira.
Naramdaman ang epekto ng pagputok sa buong mundo. Nagbigay ito ng maraming aerosol sastratosphere—mas marami kaysa kahit anong erupsyon simula noong 1883 sa Krakatoa. Nagbuo ang mga aerosol ng isang pandaigdigang sapin ng asido sulpurikong abo sa mga sumunod ng mga buwan. Bumaba ang pandaigdigang temparatura sa mga 0.5 °C (0.9 °F), at nadagdagan ang pagkawasak ng ozone.
Ayon sa mga katutubong Aeta ang pagsabog ay dulot nang galit nang kanilang panginoong si Namayari, noong 1 nang Oktubre, taong 1991 nang linubog ang Barangay Cabalantian, Bacolor at ilang mga baryo duon at sa San Fernando, dahil sa labis na takot ay nagpaggawa nang dike ang nuong pangulo na si Fidel V. Ramos at tinawag itong FVR Megadike. Makalipas ang ilang buan ay napuno nang Asul-Berdeng tubig ang bundok at nagkaruon nang lawa nang may parehong pangalan sa bulkan, isa sa pinaka tanyag na routa patungong bundok ay sa barangay Santa Juliana sa Capas,Tarlac.
                                        
Ang Bundok Bulusan o Bulkang Bulusan ay ang bulkanng nasa pinakatimog ng Pulo ngLuzon sa Republika ng Pilipinas. Nakalagay ito sa lalawigan ng Sorsogon sa rehiyon ng Bikol, 70 km (43 mi) sa katimugang-silangan ng Bulkang Mayon at tinatayang nasa 250 km (160 mi) katimugang-silangan ng Maynila, ang kabisera ng Pilipinas. Isa ito sa pinakamasisiglang mgabulkan sa Pilipinas.
                                       
Ang Bundok Banahaw ay isang dating bulkan sa Pilipinas na matagpuan sa hangganan ng mga lalawigan ng Laguna at Quezon sa Luzon. Ito ay isang tinatawag na "extinct volcano". Kapag dumaan ka sa national road ito ay malinaw na nakikita. Dahil ito ay dating bulkan, maraming hot springs na matatagpuan dito at maraming tao rin ang umaakyat sa tuktok nito dahil may "milagro" raw yung tubig na nakapagpapagaling ng maysakit.
                                        Resulta ng larawan para sa mt.cristobal
Mount San Cristobal is a dormant volcano in Quezon province on the island of Luzon,Philippines. The mountain rises to an elevation of 1,470 m (4,820 ft) above mean sea level [1]and is one of the volcanic features of Macolod Corridor.[2]
Mount San Cristobal is considered the Devil's mountain in Filipino folklore. It is the alter-ego of the Holy Mountain,[1] Mount Banahaw, and is part of Mount Banahaw-San Cristobal Protected Landscape covering 10,901 hectares (26,940 acres) of land.
The mountain is bounded by San Pablo, province of Laguna at its northern slope and Dolores, province of Quezon at its southern slope.

1 komento: